Sana panaginip na lang ang mga ito. Nagsagutan na naman kami ng tito ko. Ahahay! Kelan kaya matatapos ito noh? Siguro pagnakabili na kame ng sariling bahay ng tatay ko.
Sarili naming tirahan. Wari kami ay mga nangungupahan. Sa isang araw ay nagsasagutan, isang gabi nagkabanggaan. Siguradong makakarating, (excuse me, ako ay nahahatching!) Sa mga kaukulan na nasa karatig bansa. ako’y lubos na nalulungkot. Tunay itong nakakabagot dahil sa magpapasko. Lagi na lamang bang ganito?
Wow! nakabuo ako ng poem. Kakaiba talaga ‘pag may naranasan kang di mo matanggap o kaya’y di mo inaasahan.
Ha-ha. Tinatawa ko na lang. Si Lord na lang ang bahala sa amin. Basta masaya ako dahil nakabili na ako ng chucks na kulay white at nabilhan ko ang aking mahal na henna artist ng regalo.
Asa Greenhills kami kanina ni Nicole. Ang saya! Yun nga lang may nagiskandalo. 2 babae. Ewan ko. Nag aaway ata dahil mas maganda daw siya sa isa o vice versa. Total entertainment nga eh. Sayang nga lang, naagawan ng attention yung palabas. Tila naman mas importante ang palabas na iyon kesa dun sa nag aaway. Ganun talaga tayong mga tao. Mga usi. Gusto laging may aksyon!
Naaalala ko tuloy yung kinuwento ni Pastor Sunday noon. Yung dalawang estudyante na gustong magbabakbakan tila nasa wrestling stage sila. Hinila ni Pastor ang 2 at inalagay sa isang kwarto at sabay sabing "Sige, magupakan kayo!" Walang naisagot ang dalawa.
Ganyan naman tayo. Hanggang yabang lang minsan. nakakahiya ‘di ba? Kahiyahiya talaga. Tsk tsk tsk. Minsan hanggang sigaw lang din pero sa sarili natin mismo di natin binabago.